Hindi natin maintindihan ang pagmamayabang at pambabraso ng bansang Tsina.
Ang pahayag ng kanilang ambassador ay nakakalungkot at nakakabahala. Para manggaling ang mga salitang ito mula sa pangalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa mundo ay tunay na nakakapagpabagabag. Ang pagpupumilit nilang kinakailangan pang humingi ng pahintulot sa kanila ang ibang bansa para makapaglayag sa pinagtatalunang tubig ay kayabangan na hindi kinakailangan kung tunay na lahat tayo ay naghahanap ng mapayapang paraan ng pagsosolusyon sa problemang ito. Sila na mismo ang nagsabi na mapayapang paraan ang nais nila ngunit iba ang ipinapakita nila sa mga pahayag na ganito.
Hindi natin dapat hayaang brasuhin tayo ninuman. Ang Pilipinas ay may mahabang kasaysayan pagdating sa kalayaan at pag-aalsa laban sa mga nagnanais bawiin mula sa atin nito. Hindi natin kailanman hahayaan, maging ang malalaking bansa, na brasuhin tayo at gawin tayong sunod-sunuran sa kanilang kagustuhan.
1 comment:
Hindi sila patas. Kung tayo noon ay naging alila nila, dapat ngayon ay umaksyon na ang Pilipinas, dahil kahit kailanman wala silang karapatan tratuhin tayo ng parang mga aso nila. Sulong Plipinas!
Post a Comment