Wednesday, July 25, 2012

Di dapat pangambahan ang pagpiyansa ni GMA

Walang dapat pangambahan ang taumbayan sa pagpiyansa ng dating Pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo, lalo pa sa ipinapakita ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na mabigyan ng hustisya ang mga tiwali sa gobyerno.

Kailangang respetuhin ang ang pasiya ng Korte. Ang mahalaga ay may hold departure order ang Sandiganbayan laban sa akusado at hindi ito makakaalis nang basta-basta. Ang mahalaga ay haharap ang akusado sa mga paratang laban sa kanya.”

Nahaharap sa maraming kaso ang dating pangulo, kabilang na dito ang graft and corruption, taumbayan na mismo ang tututol sakaling magpumilit si GMA na makaalis ng bansa.

Iba na ang panahon ngayon. Taumbayan na mismo ang masigasig na nakaabang at nagmamasid laban sa katiwalian at pagpataw ng hustisya. Natuto na tayo sa nakaraan.

No comments: