Monday, November 22, 2010

MAGPAPARAMDAM KAMI SA INYO: ISANG TAON MATAPOS ANG MAGUINDANAO MASSACRE

Limampu't walong (58) kaluluwa ang binulabog noong Nobyembre 23, 2009 nang isang iglap, ngunit 365 na araw na ang nakaraan ay hindi pa natatahimik ang mga ito. Kaya ang mga ito, lahat ng kamag-anak nito, at lahat kami na nag-aalala at nagmamatyag sa kahihinatnan ng kasong ito ay patuloy na magpaparamdam sa mga kinauukulan.

Hindi namin pagpapahingahin ang mga miyembro ng korte hangga't hindi lubusang maparusahan ang mga maysala. Inuulit namin ang panawagang ipalabas ng live ang Maguindanao massacre trial upang magkaroon ng transparency, at mas magiging mabilis ang pag-usod ng kaso kapag ito ay nabantayan ng media. Nandiyan na rin ang panukalang gawing dalawang beses sa isang linggo ang pagdinig sa kaso. Sa dami ng mga testigo, kung 'di tayo gagawa ng paraan, ay tila luluwa na ang ating mga mata e wala pa ring makakamit na tunay na hustisya ang mga biktima.

Bukod sa lahat, nananawagan tayo sa administrasyon na tuparin ang pangako nitong buwagin ang sistema ng private armies na siyang ugat ng problema ng karahasan sa kanayunan. Kung hindi natin gagawin ito ay 'di malayong maulit muli ang ganitong karimarimarim na insidente.

Sa dami ng mga testigo, kung 'di tayo gagawa ng paraan, ay tila luluwa na ang ating mga mata e wala pa ring makakamit na tunay na hustisya ang mga biktima.

3 comments:

Unknown said...

sana po makamit na ng lahat ng biktima ang hustisyang inaasam-asam. I fervently hope that this matter will not be put into a box and just be forgotten as the time spun out. Gaya ng nangyari sa ZTE Scam. Tsk Tsk. nakakapanghinayang lamang ang pera at oras na iginugol sa mga imbestigasyon ng naturang issue.

mandy grata said...

isang taon na po and pagpatay na ito senador. hindi po ba ang isang taong lumipas pruweba ng bagal ng hustisya, at natural, ang bagal na ito ay pangalawang kawalan ng hustisya sa mga biktima.

Halo-Halo Express said...

PINOY MAGSALITA KA. Ipahayag ang iyong saloobin, reaksyon, at opinyon patungkol sa UNANG TAON NG MAGUINDANAO MASSACRE

http://www.facebook.com/pages/Liham-sa-58/131213720231306?v=info

PLS LIKE AND SHARE THE PAGE "LIHAM SA 58" MGA BIKTIMA NG MAGUINDANAO MASSACRE