Ang mga numero ni Sen. Noynoy bilang presidentiable ay nananatili pa ring mataas at record breaking sa larangan ng pulitika mula pa noong 1986. Kahit pa sabihin ng iba na kesyo bumaba ito o humahabol na ang iba, di pa rin mapagkakaila na siya pa rin ang nangunguna at siya pa rin sa aming paniwala ang pipiliin ng ating mga mamamayan na ngayo'y pagod na sa bulok at mapangabusong mga lider pulitika at nagnanasa na na magtiwala sa malinis at tapat na pamumuno. Unprecedented pa rin ang mga numero ni Sen. Aquino sa surveys. Wala pa ring kandidato mula pa ng 1986 ang nakakakuha ng ganitong kalaking pagsuporta at tiwala mula sa taumbayan.
Record breaking pa rin ito dahil uhaw na at kating-kati na ang mamamayan na makamit ang pagbabago at maunlad na buhay. Dahil dito naniniwala tayo na hindi basta basta maaring matibag ang pagsuporta ng mga botante kay Sen. Aquino. Naniniwala din tayo kapag dumating pa ang TV at radio ads ni Sen. Aquino na maglalahad ng kanyang programa para matigil na ang pangaabuso sa gobyerno at sa paglutas ng laganap na kahirapan sa bansa ay lalo pang lalakas ang kanyang suporta mula sa mamamayan. Taumbayan ang nagtulak kay Sen. Aquino na tumakbo para sa pagkapresidente at taumbayan din na naghahangad ng tunay na reporma at pagbabago ang magtutulak sa kanya na maipanalo ang kanyang kandidatura sa Mayo.
1 comment:
I agree Mr. Pangilinan ;) I'm always for Noynoy.. Noynoy for president! L
Post a Comment