Is it too difficult for SBMA officials to know rice import procedures from the NFA? Is it not standard procedure for SBMA to coordinate with concerned government agencies whenever questionable goods enter our country? Four hundred twenty thousand sacks of rice are not exactly mere blimps in their radar.
Galing na mismo sa chairman ng SBMA na si administrator Roberto Garcia na ang destinasyon ng mga bigas na ito ay ang Pilipinas at wala nang iba pang bansa. Malinaw na may balak ibenta ito sa ating merkado. Kawawa naman ang mahihirap nating mga magsasaka. Kayod sila nang kayod at pagkatapos ay papatayin lang ng smuggling ang kanilang hanapbuhay. Binabagyo na nga tayo at nasisira ang ating mga pananim at sakahan, may smuggling pa. Doble pasakit ito sa ating mga kababayan.
Layon natin na tanggalan ng maskara ang mga smugglers na ito upang sila ay maparusahan. Kailangan nating ipakita sa taumbayan na tayo ay seryoso sa pagpuksa ng ganitong tiwali at mapansamantalang gawain. Ang smuggling ay isang krimen. At lahat ng kriminal ay dapat maparusahan, lalung-lalo na dahil ang kapalit nito ay kagutuman para sa marami nating mga mamamayan.
1 comment:
Stunning post! Thanks for sharing with us.
Indian Rice
Post a Comment