As Metro Manila and parts of Luzon struggle to get back on their feet after the massive flooding brought about by days of continuous rain we call on oil companies and dealers of food, vegetables, and basic commodities to "go easy" on price hikes.
Maawa naman ho tayo sa taumbayan sa mga panahong ito. Naiintindihan namin na kailangang mabuhay ng mga negosyo, pero sa panahon ng krisis tulad nito, sana ay ipagpaliban muna ng mga kumpanya--lalo na yung may mga 'buffer', ika nga, sa kita nila--ang pagtaas ng presyo. Lubog na nga ang mga tao dahil sa grabeng pagbaha, ilulubog pa ba natin sa pagtaas ng presyo mga bilihin?
Baka po pupuwede tayong magkaroon ng pansamantalang 'price hike holiday' para bigyan ng pagkakataon ang taumbayan na makabangon muna mula sa kalamidad na ito bago magpataw ng panibagong presyo ang mga kumpanya. At sana ay kapag nag-stabilize na uli ang merkado ay maibalik ang presyo sa dati nitong lebel.
Magtulung-tulong na lang ho tayo sa mga panahong ito. Lahat tayo naaapektuhan--mula sa mga magsasaka't manggagawa hanggang sa mga maliliit na negosyante, hanggang sa mga malalaking kumpanya. Pero kung uunahin natin ang bayan at ang mga nasalanta bago ang pagbawi sa kita, lahat tayo siguradong mas mabilis na makakaahon.
No comments:
Post a Comment