Hindi dineklara ni Ginoong Corona ang daang milyong piso at dolyar namga account. Hindi niya idineklara taon-taon ang mga milyon- milyong pisong pag-aari ng mga condo units. Ang hindi pagdeklara ng makatotohanang SALN taon-taon sa loob ng halos isang dekada ay dishonesty at isang culpable violation of the Constitution.
Ano po ang ebidensiya? Nariyan ang salaysay ng PS Bank President, ng Ombudsman, at ni Ginoong Corona mismo. P22 Million ang sinabi niya sa SALN niya, ngunit halos P200 milyong cash ang inamin niyang hawak niya. Ito ba ay minor na kakulangan lamang? Dapat bang daang bilyon ang hindi idineklara para maging mabigat ang kaso?
At kung sa malinis na paraan nakuha ang mga ito ano ang masama na ideklara niya lahat dahil wala naman siyang tinatago? Di dapat ikaila kung walang tinatagong masama. Base po sa ebidensiya, maliwanag na nagkaroon ng sistematikong pagtatago ng ari-arian, sistematikong pagtatakip sa tunay na halaga ng mga ito.
It pains me as a lawyer and as an officer of the court to say that clearly the Chief Justice displayed a disturbing pattern of dishonesty, willful concealment, and evasion and a blatant and wanton disregard of the provisions of the Constitution on the SALN.
Sa paglilitis na ito, nakita rin natin ang pagkatao ni Chief Justice. Siya ba ay dapat pa nating pagkatiwalaan? Kung hindi po natin i-convict si Ginoong Corona, sabi po ni Speaker Belmonte, anim na taon pa siyang uupo bilang Chief Justice. Kung kaya niyang ipagkait sa mismo niyang kamag-anakan ang kanilang ari-arian sa Basa Guidote gayong daang milyon na pala ang kanyang cash, siya ba ay dapat pagkatiwalaan sa loob pa ng anim na taon?
Kung kaya niyang ipakita ang kawalan ng respeto sa 23 Senador nung siya ay nagtangkang magwalk-out, na sa aking paniwala ay napigil lamang dahil sa mabilis na kilos ng ating mahal na Senate President, ginawa niya ito sa harap mismo ng lahat ng media at buong bansa, paano kaya ang pagtrato niya sa maliliit nating mga kababayan na hindi mga Senador na dumudulog sa kanyang tanggapan? Siya ba ay mapagkakatiwalaan na rumespeto sa maliliit nating mga kababayan sa loob pa ng anim na taon?
Dapat po siyang managot dahil siya po ay nagkasala. Tulad na lamang ng isang court interpreter sa Davao na sinibak mismo ng Supreme Court dahil hindi nito inilagay sa kanyang SALN ang pag-aari niyang market stall sa palengke.
Tama ba na ang pagsisinungaling ng maliliit at mahihirap ay parusahan habang ang pagsisinungaling ng makapangyarihan ay i-abswelto?Ang pagsisinungaling ba ay impeachable offense?
Si Chief Justice na mismo ang nagsabi sa kanyang talumpati sa harap ng Manila Overseas Press Club noong June 24, 2010 kung ano ang nararapat sa mga huwes na hindi tapat sa tungkulin.
Sabi po ni Chief Justice, “I believe that a member of the judiciary who is found guilty of dishonesty should not only be dismissed from the service; he should also be disbarred—no ifs or buts.
Siya na po ang nagsabi na kapag ang isang huwes ay nagsisinungaling hindi lang ito dapat sibakin sa pwesto—dapat pa itong ma-disbar bilang abogado. Sa kanyang mga labi na mismo nanggaling na nararapat siyang ma-convict at masibak sa pwesto.
The vote to convict is a vote to defeat abuses and excesses in government.
Ang boto ng conviction ay boto upang wakasan na ang pang-aabuso at pagmamalabis ng mga opisyal ng ating bansa.
We all want a better, more progressive nation. We all want our nation to reach developed nation status in our lifetime and for our children. But critical to a modern state is an effective system of justice that has the trust and faith and confidence of our people. We all want to see the end of abuses in governance.
We have heard of expose’s after expose’s of abuses in the government.
We have witnessed lawlessness, criminality, corruption and disrespect for the rule of law.
Respect for the rule of law will only be realized if punishment of the guilty is swift and in a fair trial. Unless we punish more and punished swiftly, lowlessness, abused and disregard of our laws will not be defeated.
Those who wish to abuse their offices will continue to be emboldened to commit their nefarious activities. Only when we punish the guilty and punish them swiftly in a fair trial will respectfor the rule of law be restored.
No Less than the Chief Justice has been accused of culpable violation of the Constitution.
To convict him is to uphold the rule of law and it will send the signal to the entire nation that the rule of law should be respected and should strike fear in the hearts of all those who wish to violate our laws and disrespect the constitution.
For this reason, I find the Chief Justice guilty.
No comments:
Post a Comment