Tuesday, April 5, 2011

Ombudsman Gonzales, parang si Khadaffy -- Kapit-tuko sa puwesto

Sa di pagkilala ni Ombudsman Emilio Gonzales III sa ruling ng Malakanyang, para siyang si Moamar Khaddafy.: Pinapatalsik na ng pwersa ng pagbabago pero ayaw pa rin bumaba sa puwesto.

Tulad ni Khaddafy, history is not on his side ika nga, at his time is up. Napag-iwanan na si Gonzales ng kasaysayan. Mas mainam na tanggapin na lang niya ang desisyon at magbitiw na lang.

Ang administrasyong Aquino ay naninindigan laban sa katiwalian at bulok na pamamahala. Patapos na ang maliligayang araw ng mga tiwali at abusado sa gobyerno. Dapat tanggapin ni Gonzales ang katotohanan na ang mga katulad niya ay dapat nang mawala sa gobyerno. Ang nararapat gawin ng gobyerno ay tiyakin na bilang na ang oras ng panunungkulan ni Gonzales at iba pang tulad niya.

No comments: