Natalo man ang “People's Champ” na si Manny Pacquiao kay Juan Manuel
Marquez, wala siyang dapat ikahiya dahil siya pa rin ang kampeon sa puso ng mga Pilipino.
Si Manny pa rin ang pinakamagaling na boksingero ng Pilipinas. Bagaman masakit
ang pagkatalong ito, hinding-hindi matatawaran ang kanyang naiambag sa
kasaysayan ng boksing. Ang kanyang naabot na tagumpay ay patunay sa
kanyang galing—hindi lang bilang isang manlalaro kundi bilang isang
pambihirang tao. Siya pa rin ang kampeon sa ating mga puso.
Tungkol
naman sa panawagan ng ilan na mag-retiro na si Pacquiao, anuman ang
maging desisyon ng pambansang kamao, wala na siyang dapat patunayan pa.
Nasa kanya yun kung magreretiro siya o
hindi, pero masakit para sa buong bansa ang pagkatalo ni Manny at
marahil lahat ay nagnanasa na bumawi siya sa susunod. Ngunit siya lamang
ang makakapagsabi kung dapat na ba siya mag-retiro o hindi.
Kahit magretiro pa siya, wala naman siyang dapat ikahiya sa naging
record niya bilang boksingero o Pilipino. Mula sa
pagtulog sa sidewalk ‘nung nag-uumpisa pa lang siya, kinaya niyang
maging bilyonaryo. Kung nagawa niya ‘yun, walang duda na kakayanin
niyang lampasin ang pagsubok na ito.
Hindi pa rin matatawaran ang kanyang pagiging
six-time world champion, at mananatili siyang idolo ng buong sambayanan.
Taas-noo pa rin tayo sa layo ng kanyang naabot at sa karangalan na
kanyang ibinigay sa bansa nitong maraming taon nang nakalilipas.
Eight
championship belts in eight categories. That is the measure of the
man's worth in boxing history—not this defeat to Marquez. He will always
be our champion.
Image Source: Bleacherreport.com
Showing posts with label manny pacquiao. Show all posts
Showing posts with label manny pacquiao. Show all posts
Tuesday, December 11, 2012
Sunday, November 14, 2010
Congratulations, Manny Pacquiao
In the world of boxing, it is indeed awe-inspiring that our very own Manny Pacquiao today stands 10 feet tall and represents the greatest in boxing throughout the world. He is in the same league as Sugar Ray Leonard, Marvin Hagler, Thomas Hearns, Roberto Duran, Mike Tyson and, yes, even Muhammad Ali. We are proud of his victory.
Monday, November 16, 2009
Mabuhay si Manny at ang Pilipinas!
Kiko Pangilinan ipinakita at ipinamalas ni Manny Pacquiao ang kakayahan ng Pilipino sa harap ng matinding pagsubok. Bilang mga Pilipino, may Manny Pacquiao sa bawat isa sa atin na may kakayahan lagpasan ang sariling mga suliranin at mga pagsubok. Ipinakita ni Manny na ang Pilipino kahit saan man ay maaring magtagumpay sa anumang larangan na nanaisin. Mabuhay si Manny! Mabuhay ang Pilipinas!
Subscribe to:
Posts (Atom)
