Hindi naman pwedeng bukas para sa lahat ng bagay ang anumang pier natin, na kahit mga iligal na imports ay papayagan na nating makalusot. Lumalabas din na hindi nag-uusap ang mga opisyal ng
SBMA at tila iba-iba ang sinasabi nila. May mga nagsasabi na pinayagang ma-unload dahil pino-proseso ng importer ang permit mula sa NFA, may nagsasabi naman na opisyal din na lumapit sa importer pwede nang i-warehouse ang mga pumasok na bigas.
Parang labu-labo ang sistema nila. Hindi pupuwede ito. Kung ganito ang nangyayari sa lahat ng freeports natin, ay ‘di kataka-taka na maraming nakakapuslit na smuggled goods sa atin.
No comments:
Post a Comment